Home » Page 8
LibeRAINting
July 27, 2009Rain rain rain. Ooops hindi yung korean actor.
Naranasan mo na bang maligo sa ulan noong bata ka pa? Anu pakiramdam?
Naaalala ko noong mga bata pa kami ng mga pinsan ko, mahilig kami maglaro sa ulan. ewan ko ba kung bakit pag umuulan, iba ang pakiramdam. Ang simpleng habulan, paglalaro ng bola, pagtataguan at pagpapasaway sa mga magulang ay tila ba nagbibigay ng kakaibang kaligayahan kapag ito ay ginagawa namin habang umuulan. Bakit kaya? Basa at maputik na nga, masaya parin.
Galing ako sa simbahan kanina. Umulan nang malakas. Tumililing na naman ang utak ko. Sabay takbo pauwi, palit ng pambahay na damit at dali daling lumabas. Sa wakas, nasusundan na ang huling ligo ko sa ulan na nagawa ko pa noong elementary ako. Ang saya. Muli, naramdaman ko na naman ang mga patak ng ulan na dumadampi sa aking mukha, hindi ko ito mapigilan, at hindi ko ito gustong pigilan. Naalala ko panandalian ang aking kabataan, mali, ang aking kamusmusan. Noong panahaon na malaya pa ako sa lahat ng problema ng buhay. Na maliban sa grades sa school at assignments, eh wala ng ibang iniisip kundi paglalaro. Ang saya.
At saka ko naisip, tama, naeenjoy nang mga bata ang ulan dahil malaya pa sila. Teka, malaya rin naman ako, pinalaya na ako ng Diyos sa mga kasalanan ko, pinalaya na niya ako sa mga hinanakit sa puso ko. Malaya na ako, malayang isipin ang mga gustong isipin at malayang gawin ang mga gustong gawin. Kaya nagtatakbo ako sa kalsada namin, wala akong pakielam sa mga ibang tao. Nagtaas ng dalawang kamay at nagsisigaw ng kung anu ano…
“Wahhhhhh! Mahal kita! Mahal na mahal!”
“Wahhhhhh! Maghihintay ako! Lalaban ako! Para sayo!”
“Whoooo! Freedom! Whoo!”
“Whooo! Thank you Lord for the rain! Thank you Lord for my freedom!”
… dahil malaya ako, at masaya ako sa aking kalayaan.
Tara, ligo tayo sa ulan?
Realism of Fairy Tales
July 24, 2009Bilang isang batang nabuhay at nagkamalay noong 90’s, masasabi kong mulat ako sa mga iba’t ibang Fairy Tales, libro man, pelikula, o kahit kwento lang ng nanay ko. Eh anu kung sabihin nang mga pinsan kong pambababe ang mga Fairy Tales, wala akong pakielam, kaya nagtatago ako kaya tuwing nanonood ako nito. =))
Masaya ang mga Fairy Tales, parang telenvelang pinoy, kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan ng bida, siguradong happy ending parin. Kung sa gitna ng storya eh inalipusta siya, siguradong sa ending eh pupurihin siya, Kung sa gitna ng storya eh namatay siya, siguradong mabubuhay ulit siya. Kung sa gitna ng storya eh na-utot siya, siguradong sa ending eh mabango na siya. Hindi pwedeng manatili ang flaws at cons sa mga bida.
Pero maliban sa Pinocchio at Beauty of the Beast, anu ba talaga ang moral lesson na makukuha sa mga Fairy Tales. Let me cite some titles. Mga Classic.
Sa Snow White? Don’t talk to strangers?
Sa Cinderella? Wear shoes tightly?
Sa Rapunzel? Too much hair-length is good?
Sa Sleeping Beauty? Magpa-kiss bago gumising?
Sa Goldilocks? Acheche…
Harry Potter? Anyone?
Siguro ung mga modern na Fairy Tales eh may mga moral lesson na, eto eh ung nagsimula nang gumawa ng original stories ang Walt Disney. Pero kung pagbabasehan mo ung mga luma nilang works, mga adapted Folk Lores, na mga inabutan ko noong panahon ko, eh talagang ganyan.
Sabi nila, may mga tao daw na nabubuhay parin at naniniwala sa Fairy Tales, siguro kinukutya kutya siya ngayon. Pero para sa akin, ok lang siguro. At least, tulad ng mga Fairy Tale characters, nabubuhay siya na may positivity. Palagi niyang tinitignan ang buhay na parang isang mahabang storya, na matapos ang lahat ng paghihirap niya sa buhay, masusuklian naman siya nang isang happy ending. Success.
Siguro eto na nga ang minsang mali sa atin, dahil sa sobrang bigat ng buhay, dami ng problema at dahil sa love life na ewan, nakakalimot na tayo nang isang mahalagang bagay. Nalilimutan na nating managinip. Sabi nga ng isang author na di ko maalala ang pangalan, “Never be afraid to dream. For one thing, it doesn’t cost you a cent, and for another, you’ll never know when you’re dream might come true”. Tama! Isang bagsak!
Marahil sabi ng iba, ang paniniwala sa fairy tales ay ‘just a phase’ o lilipas din. Pero palagay ko, di ko rin naisin na tuluyang mapalayo sa mga ito lalo pa sa mga kalagayan ng mundo ngayon, I feel, like a Fairy Tale character, na kailangan kong may panghawkan, mga ideya at pangarap ng titignan tignan ko once in a while. I need to believe that one day, good will triumph over evil and that justice will be meted out in the end.
Kaylangang maniwala na may happy ending.
Dahil sa oras na di ka minawalang may happy ending, palagay mo,
bakit ka pa nagpapakahirap mabuhay ngayon?
Juvenile Delinquency
July 21, 2009I was on my way home walking in the streets of Sta. Mesa, Mla. when my college memoirs flashed into my mind. I was surprised to see myself walking in the same streets again just as I did in the past 4 years (I took a 4-year course and graduated on time. yabang!). The last time I walked in those streets was the last time I called myself a student. It’s so good to see that, whoa, I finished the game called schooling and now playing the game called life. Walking in these streets were different this time around. I can now see the artistic and geometric beauty of the LRT2 as it smoothly glides through the curves of it’s rails which leads to Santolan. I can now enter 7-11, buy a bottle of Yakult and a pack of Hello Wafers and eat inside the store without the worries of being late in a subject or how much I should spent on food. But the best thing about it is to look and listen to the next generation of students not as a co-student but as a professional.
While being able to oversee the younger generation is the best part of playing the game called life, it also is the worst part. And 1 bottle of Yakult, 1 hello Wafer Stick and a comfy seat in 7-11 at the back of 3 high school girls proved it right. The 3 girls, I know the school they’re attending, and by the time I was (or we were) in 7-11, I knew already, these 3 girls have skipped they’re first classes. I can’t help but to eavesdrop and be tsismoso to the 3 girls. I wonder what they have to talk about after skipping their first classes.
girl1: “missionary din un diba? bawal daw xa magsyota pero nagkasyota parin, nagkasyota nang tibo?”
girl2: “anung missionary?”
girl3: “!&@*#! un ung sa simbahan!”
girl1: “oo tanga, missionary din ako eh, pero may syota din ako”
girl2: “sino ba syota mo ngayon?si boy1?”
girl1: “hindi ah, nagbreak na kami nun nung isang araw, si boy2 na syota ko ngayon”
girl3: “eh panu ung si boy1? nililigawan ako nun eh, ok lang sayo?”
girl1: “oo naman, magbuntisan pa kayo eh”
girl2: “talaga? nakapag*ganun* na kayo?”
girl1: “oo naman, mga 3 times na, #*&@!, kaya ako absent nung isang linggo eh, @$^#& buong araw ata un, sakin sa #*%$”
*END OF MY EAVESDROPPING*
So that’s the fruitful topic for the day, the perfect reason to skip the class right? And guess what, we 4 are not the only ones inside the store, and the girls are not speaking quietly. Right after I finished my snack, i gathered my things already and left the place at once, I was planning to read my new book on the store, but with those 3, I think I can’t manage to bite and chew the thoughts that are about to be given by my book. Still on my way to the Jeepney station, I walked through a group of guys, (yes in the same school, and yes skipped classes also), I was trying to fathom the 3 girls I just heard when my ears once again send my brain another series of signals.
boyA: “%$^! mamaya yari ka sakin!”
boyB: “sige labas mo pa favorite hero mo! punuin mo pa ng butterfly tyka MKB, kain ka parin!”
boyC: “pustahan ba? malaki nahingi kong baon”
The conversation ended as I walked pass them. By that small conversation, I knew already (as a gamer) that they are talking about DOTA, a PC game. So again, that is they’re fruitful reason for skipping a class,
Well, I don’t say that all the younger generation are like these people mentioned above. But if you find yourself among one of those, please, I beg you, for your parents sake, Mag aral muna kayo. Love the education which is all yours for the taking. You know what’s making the Philippines’ run for it’s money? Everyone like the people mentioned above.
Now as a graduate, i can say that life is more than just relationships, sex, video games and uber entertainment. Yes it is good to relax, but as the word itself says (’re’ is the greek term for ‘again’, and ‘laxari’ is for ‘loose’), to relax is to loosen once again, not loosen always. Remember, God created the Sabath day for resting and relaxing, sometimes you also have a once-a-week break or a free Saturday, aren’t those days sufficient to relax or loosen once again?
para Saan Ang tulang Ito.. hmm
July 18, 2009
The woman that I love when I close my eyes,
I love her so much that when I open my eyes my heart cries,
Now I’m all alone left to wonder what it feels like to hold her really it seems like it will never be but someday I hope I will have the chance to kiss her… just maybe
Si Ako? d(-_-)b
July 17, 2009Sino ako? Kilala mo ba ako?
Kung sabihin kong ako si Joshua Jez Navarro Cerbito, isang Born Again Christian, anak nang pastor at teacher, 19 na taong gulang mula sa Paco Manila at tapos nang Bachelor of Science in Computer Science sa PUP, kilala mo na ba ako?
Kung sabihin kong ako ang temporary vocalist ng bandang LeviticuS at lead guitarist ng bandang Peculiar Disorder, Flash developer sa Fresh Insite, isang amateur phtographer, kilala mo na ba ako?
Kung sabihin kong na 350 ang grado nang mata ko, 5′6″ ang height, 52Kg. ang timbang, kayumanggi, kulot ang buhok, may balat sa may ibabang-kaliwang likuran, makalyo ang paa, ma-pimle, balbon ang binti, malakas kumain, galit sa mga posers, mayayabang at mga bading kahit na mahilig akong umacting bilang isa sa kanila, kilala mo na ba ako?
Maaaring alam mo na ang mga yan at maaaring hindi, pero masasabi mo bang kilala mo na ako dahil alam mo ang pangalan ko, ang mga hilig ko at ang kulay ng utot ko? Importante nga ba ang mga detalyeng ito para masabi mong kilala mo na ako? Siguro nga importante, pero hindi ibig saibhin nun na kilala mo na ako. Dahil hindi mo makikilala ang isang tao hanggat hindi mo ito nakakasama sa buhay. Minsan nga kahit makasama mo na, di mo parin pala kilala.
Minsan nga, pati ako napapatanong, kilala ko pa ba ang sarili ko? ako parin ba ito? O baka naman yung tunay na ako eh yung imahe nang isang taong binabalik-tanawan ko na lang every once in a while.
Sa likod ng monitor at keyboard, ako parin ito, tanggalin mo lang ang pawis, amoy, pangit na mukha at mapagkunwaring ngiti, ako parin ito. Madaling makipagplastikan sa isang lupon nang tao, o sa isang grupo na hindi mo ka-close nang gaano, pero pag ikaw na lang mag-isa, o ako na lang mag-isa, sa harap ng computer, naka-topless at naka boxer shorts lang habang patay ang ilaw at naka number 3 ang electric fan, mapaplastic ko pa ba sarili ko? Malay ko ba kung bad breath o may putok yung nagbabasa ng mga sinulat ko, o kung may nagbabasa nga ba. Kung naloloko nang ibang tao ang ibang tao dahil sa pakikisama nito, pati ba anaman ang pakikisama sa sarili mapaplastic mo pa? malamang sabihin mo pwede din naman, tapos sisigawan kita nang malakas “poser ka! die in hell!”.
Nakita, nakilala, natutunan.
kung Sino ka mang nagbabAsa, salamat sa Iyo at nagtitiyaga ka. sa isang banda, ninais mo din akong makilala, talo pa nun ang isang regalo o isang date. kung sino ka man, nais kitang makasama, para makilala din kita. kahit pareho pa tayong mukhang Sabog na alimuog, Ayos lang. walang taguan, walang Inaalalang plastikan.
Sa uulitin kaibigan.
Rwarr!!
d(-_-)b


