Home » Tags

Smile

June 16, 2010

Ngiti. Ito raw ang isa sa pinaka-madaling paraan para maipakita ang kasiyahan ng isang tao. Napakadaling gawin, kaya nga minsan ginagamit ito ng mga tao para maitago ang kanilang tunay na nararamdaman; kalungkutan, takot, pangamba, at kung ano-ano pa.

Pero may kakilala akong kahit gaano kabigat ang kanyang dinadala, tunay parin ang kanyang mga ngiti. Ang kanyang nakakahawang ngiti. Siya si Ate Henzel.

Sa isang blog-site (Tumblr) ko lang siya nakilala, at sa totoo lang, hindi nga niya ako kilala. Baka nga hindi niya alam na may nage-exist palang ako. Noong una, hindi ko lang pinapansin ang kanyang blog, dahil akala ko ay isa lang siya sa mga bloggers na nagpo-post ng mga larawan ng masasarap na pagkain, pero higit pa pala siya doon. Kelan ko lamang nakita ang kanyang mga personal posts. At ako’y nalungkot. Para bang gusto ko siya yakapin ng mahigpit. Tuluyan kong binasa ang iba niya pang mga sinulat. Ako’y naiyak at namangha sa kanya.

Hindi ko alam ang partikular na karamdaman niya, ngunit kung ano man iyon, alam kong hindi iyon biro. Nagtataka lang ako kung bakit tila ba masaya parin siya kahit na ganoon ang karamdaman niya, hindi naman niya kailangang magkubli. Hindi nga, totoo ang galak niya.

Nalungkot ako. Hindi ko siya kilala sa totoong buhay pero nalungkot ako at napatanong.

Bakit siya? Bakit siyang mabait at matino ang nakakaranas ng ganito? She does not deserve this!

Bakit siya? Habang ako, nagrereklamo sa tuwing naiinitan at nagigising sa umaga, siya nagpapasalamat. Habang ako naririndi tuwing nakakarinig at nakakakita ng mga taong umiiyak, siya pinipilit niyang pasayahin ang mga ito. Habang ako’y nagrereklamo sa tuwing nahihirapan sa buhay, siya ay nagagalak at kinakaya pa niya.

If there’s any way that she can share her pain with me, I’ll insist that she do it. My mind and my heart tells me that she doesn’t deserve this. But I guess God has his own perfect plan, after all, we are living because of His grace. “To live is Christ and to die is gain.” - Philippians 1:21

But just as what the Bible told us, we can pray for our hearts desire because God is so gracious and He listens and responds. And starting today, let it be my prayer that may Ate Henzel’s health smile back to her. Smile.

Posted by kuyajot at 0:34:00 | permalink | Add comment