logorrhemic

adequately answering condescending questions since 1989

The So-Called Advocacy [ 081 ]

March 23, 2011

Ako Mismo. Ikaw din ba?

Natuwa ako noong marinig ko yung idea ng “Ako Mismo”. Yung website pa lang nila eh sobrang inspiring and engaging na. Nagpost din ako ng ilang “Ako mismo ____” pledges ko dun na hanggang ngayon eh pinipilit ko paring pangatawanan.

Ang galing pa kasi naisip nilang gamitin yung dog tag bilang simbolo ng advocacy na ito. Alam naman nating associated ang dog tags sa mga sundalo, yun na kasi yung pinaka ID nila kapag nasa feild sila. At malamang yun na nga ang dahilan kung bakit ito yung ginamit nilang simbolo para sa advocacy na ito, to say that “Nasa gitna tayo ng digmaan laban sa kahirapan at handa akong lumaban, Ako Mismo.”

Tunay ngang naging hit yang dog tag na yan, it even came to a point na lahat nang tao sa Pilipinas eh meron na niyan (Hyperbole. LOL). But we already know and it’s been proven time and again that whenever something goes mainstream, everything changes, be it for the better or for the worse. Hindi exception ang Ako Mismo dog tags dito. Para sa isang movement na naglalayong ibsan ang katamaran at unti unting pawiin ang kahirapan, masakit atang makita na ang simbolo ng iyong pakikipaglaban eh pinipirata na rin. Ang mas masakit pa dito, yung mga bumili ng mga pirata eh tila wala ng alam kung anong ibig sabihin ng borloloy na nakasabit sa leeg nila. Nagmistulang fashion trend yung movement. Nakakainis na nakakalungkot.

Bilib ako sa mga taong hanggang ngayon eh sinusuot parin ang mga dog tag nila in public, hindi sila nahihiyang ma-brand na “sabay sa uso” dahil alam nila ang tunay na kahulugan ng mga ito.

Ako Mismo. Ikaw din ba?

Posted by kuyajot at 12:38:00 | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








who's Josh?

Josh Cerbito is Web Designer and Developer who plans to take over the whole interwebs without them knowing.

 

There are lots of things (or rather thoughts) scattered in here that you may stumble upon, and its for you to choose which one's to pick up and which ones to leave behind.

 

Email me at: contact@kuyajot.net

     

March 2011
M T W T F S S
« Feb    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031