logorrhemic

adequately answering condescending questions since 1989

What’s up with Pinoy news?

March 8, 2011

Kanina lang eh nakapanaood ako ng balita pagkagaling sa opisina. Hulaan niyo kung anong bumulaga sa akin, “Phil Younghusband, ang player ng Azkals na dine-date daw ng actress na si Angel Locsin ay may nakitang kasamang babae sa isang larawang kumakalat sa internet. Blah blah blah.”

I was like “WHAT’S WRONG WITH PINOY NEWS?”. Seriously, hindi ba isang Sports Team ang Philippine Azkals at isang athlete si Phil? Pero bakit tila mas maraming beses ko nang makita o marinig ang pangalan niya sa showbiz sections ng news kesa sa sports?

Hindi naman sa ayaw ko sa Azkals, ang katunayan niyan, natutuwa ako na dahil sa kanila eh nagiging aware na ang ibang kababayan natin sa sport na football. Teka lang, nagiging aware nga ba o nakikilala lang ng mga fan-girls yung mga poging member? Hmm.. Let’s face the fact, nanalo sila laban sa Mongolia noong nakaraang laro nila, isang bansang nasa bottom-spot and ranking pagdating sa nasabing sport. Inuulit ko, hindi ko ayaw sa kanila, naiinis lang ako sa media.

Media ang nagcocontrol kung anong gusto ng tao, sila ang nagdidikta kung ano ang magiging uso at kung ano ang malalaos. Kung balak talaga nilang pagyabungin ang Sports sa bansa, kailangan pa bang ibalita pati ang pagpapalit ng brand ng underwear ni Mr. Younghusband? Oo, nakita ko sa pahayagan yan. Sobra ang ravings ng mga tao para sa Azkals na yan, I have nothing against that, pero yang mga raving ba na yan eh nakakasuporta sa pagyabong ng sports industry? Mukhang hindi eh. Showbiz parin. Andami nang fans ng Azkals ngayon, kahit nasa bottom-ranks parin naman ang team, internationally speaking. Sige nga, sino sa inyo ang may alam tungkol sa Philippine Rowing Team? For several years now, eh nagcha-champion sila sa International competitions -kicking other country’s butts. Sila itong dapat na mga nakakatanggap ng recognition eh. Pero mukhang mas okay na sila sa ganun na lang, kesa naman maipangalandakan pa sa buong mundo kung anong brand ng toothpick ang ginagamit nila tuwing kakain ng fishball, at kung bakit may kasama silang mga kaibigang babae sa mga Facebook photos nila, mas gusto na nilang manahimik sa media at magpursige na lang sa sport nila, kaya ayun, champion palagi. Sana lang eh sila yung sinosoportahan ng gobyerno, hindi yung mga “showbiz atheletes” na hindi pa nga nagcha-champion, parang grand-slam na ang coverage.

Inuulit ko, hindi ako galit sa Azkals. Pabor ako na through them, nakikilala ang football sa Pilipinas. Sana lang nga eh ang sport talaga ang makilala. Hindi yung players lang at kung sino mang mga dine-date nila.

Media, umayos ka. Kung walang talino sa pinapakita mo, wag kang umasa sa matatalinong manonood. Hindi naman kailangang palitan lahat ng programa sa radyo at TV, dahan-dahanin lang. Kayo ang nagsasabi kung ano ang kailangan at kakailanganin ng lipunan at ayokong mabuhay ang mga magiging anak ko sa isang bansa na kung saan isang pogi o magandang nilalalang lang ang pinakamakapangyarihang tao. Sabi nga ng ate ko, kung papakainin mo ng masustansya ang anak mo, hindi mo bibiglaing tanggalin lahat ng karne at palitan ng gulay; dadahan-dahanin mo lang hanggang sa gulay na ang hanapin niya.

Media, umayos ka.

Posted by kuyajot at 21:13:00 | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








who's Josh?

Josh Cerbito is Web Designer and Developer who plans to take over the whole interwebs without them knowing.

 

There are lots of things (or rather thoughts) scattered in here that you may stumble upon, and its for you to choose which one's to pick up and which ones to leave behind.

 

Email me at: contact@kuyajot.net

     

March 2011
M T W T F S S
« Feb    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031