logorrhemic

adequately answering condescending questions since 1989

Back Log

December 8, 2009

Lunes na naman.. Hay, para sa isang nightshift na katulad ko (or kahit sa ibang empleyado), ang Lunes ang pinakamahirap na araw sa buong linggo. Natulog ako ng mga 1PM kanina, at nagkaroon ako ng isang kakaibang panaginip. Ganito ang eksena…

Nasa isang camp ako, kasama ang mga kaibigan ko, sama sama, si Kirbee (labtim ko), mga ibang College classmates ko, mga ibang High School classmates ko, at ibang mga new friends ko after graduation (e.g. Jay, Sai, Chin, Fey, CM). Mayroon daw kaming nilulutong kung anu man eh hindi ko alam, basta meron daw yung pandan para ma-neutralize yung kung anu man yung di ko alam.

Sabi nila, matagal daw lutuin yun kaya itabi nalang daw muna namin yung lutuan sa isang maayos at malinis na lugar, kaya tumulong ako sa pagbuhat ng mga gamit. Napalingon lang ako bigla sa aking likuran, pag tingin ko, nagbago na kagad ang paligid. Mula sa isang camp site, biglang napunta ang eksena sa loob ng classroom. Whoa…

Ilang minuto lang nag nakalipas ay pumasok na sa classroom ang isa sa mga Faculty Head namin, ang sabi niya, “Wala munang gagamit ng mga PC sa Laboratory natin mamaya ah, under mainainance kasi, kung may dala kayong mga CPU, yan na lang muna gamitin niyo.”. Hmmmm.. SO under maintainance ang mga PC, eh anu naman pake namin dun? Nagluluto kami ng project namin. Kasalukyan pa akong napapaisip sa mga sitwasyon ng nagsalitang muli si Faculty Head, “Siya nga pala, hanggang ngayon na lang yung deadline ng individual projects niyo. ang di makapagpasa nun ngayon, hindi mabibigyan ng clearance, hindi makakagraduate.”

Waaaaaah! Anung project? Individual? Ngayon ang deadline? Eh bawal nga gumamit ng PC sa Lab? Nataranta na ako, pinagpawisan ng malamig. Pag tingin ko sa labas ng bintana, hapon na, tumingin ako sa relo ko, 5pm na. Patay. Hanggang 7pm lang sa office yung Faculty Head namin. Isip isip.

Papatakbo na ako sa labas ng classroom nang biglang may sumigaw mula sa room. Malamang naluto na yung niluluto namin. Wala akong pakielam, kaylangan ko na makauwi para maapag-computer.

Pagtakbo ko sa pinto, nabunggo ako ng isang malaking bagay. Natamaan ng husto ang mga tenga ko, ang sakit, at sobrang ingay nang mga naririnig ko.

Tumunog na pala ang alarm clock ko. Kabada parin ako, papatayo na sana ko sa kama para magcomputer ng naalala ko, “PAMBIHIRA! Graduate na ako ah! What project am I talking about???”

Kaya bumaba na lang ako ng mahinahon para mag dinner. Lunes nga ang pinakawirdong araw sa buong linggo.

Posted by kuyajot at 11:41:00 | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








who's Josh?

Josh Cerbito is Web Designer and Developer who plans to take over the whole interwebs without them knowing.

 

There are lots of things (or rather thoughts) scattered in here that you may stumble upon, and its for you to choose which one's to pick up and which ones to leave behind.

 

Email me at: contact@kuyajot.net

     

December 2009
M T W T F S S
« Nov   Feb »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031