Taguan, hanapan
September 3, 2009Taguan, isang common na larong pambata dito sa bansa natin. Well, nung panahon ko, dahil di ko alam kung uso pa ito ngayon.
Malinaw na malinaw pa isipan ko yung mga panahong bata pa ko at ang mga pinsan ko, at naglalaro kami nito. Minsan may pinsan akong magaling maghanap. Meron din namang madali lang talaga makita. At paminsan minsan, meron ding super galing magtago. Yung tipong sa sobrang galing niya magtago eh sumuko na lahat kaming kalaro niya eh di parin siya makita, hanggang sa maga-ayawan na at hindi na siya hahanapin, maglalaro ng ibang laro, parang normal lang. Syempre, makalipas ang ilang minto o misan oras ng pagtatago niya, lalabas din siya, galit. “Ang daya niyo naman eh, bakit di niyo na ko hinanap?”, “Hinanap ka na nga naming lahat eh! Talagang di ka namin makita!”, “Eh ganun talaga! Taguan to eh, hindi naman give-up-an!”.
Tama yung bata in a way, ganun talaga ang larong taguan, may pagtatago, at may pagkakatagpo.
May kakilala akong isang doctor noon, at meron siyang Terminal Cancer. Doctor siya, alam niya kung ano ang sakit niya at kung paano namamatay ang mga tao sa sakit na ito. Nasiraan siya ng loob, alam niyang wala nang pag-asa ang kalagayan niya at alam na niyang malapit na ang ending niya. Pinili niyang wag ipaalam sa mga kapamilya niya ang kanyang karamdaman, ayaw niyang mag-alala sila, gumastos ng malaki para sa alam na din naman niyang magiging resulta kung sakaling ipagamot pa siya. Pinilit niyang mabuhay ng normal sa presensya nila, hanggang sa tuluyna na nga siyang pumanaw. Gulat ang pinakaunang tugon ng puso’t isipan ng pamilya niya. “Bakit hindi mo man lang sinabi? Kung alam mong walang lunas, sana ipinaalam mo samin, nang nakapaghanda man lang kami! T-T”.
Ngunit tapos na ang lahat, hindi na nila napaalam kung gaano nila siya kamahal, walang nakaalam, parang normal lang. Masyado siyang nagtago, na nalimutan din niya na minsan, nakakasawa din palang maghanap ng mga taong ayaw talaga magpahanap. Mukhang ganoon nga talaga, may pagtatago, may pagkakatagpo, at meron ding pagsuko.
Mas gusto ko pa yung larong ‘Sardines’. Sa larong ito, ang taya naman ang siyang magtatago at lahat ng kalaro niya ang maghahanap sa kanya. Pag may nakakita na sa kanya, sisiksik ito sa kanya at magtatago na din hanggang sa paunti na nang paunti ang naghahanap sa mga nagtago nang kalaro. Padami naman ng padami ang nagtatago kasama ng original na taya, nagsisiksikan, naggi-gitgitan, nagha-hagikgikan, at kung minsan ay di mapigilang matawa ng malakas ang isa na nagiging dahilan ng pagkahanap sa kanila ng ibang kalaro.
Naalala ko minsang nilaro ko ang larong ito, medyo malungkot sa simula ng ako’y nagiisa pa at naghahanap sa taya, nasa isip ko, boring na, kailangan ko nang makita ang taya, kasi pag nakita ko na siya, sama sama na kami ng iba pang nakakita na din sa kanya, masaya pag nakita mo na yung taya.
Palagay ko ganun dapat ang buhay, hindi taguan, kundi hanapan. Hindi parang ‘taguan’ ang buhay, para itong ’sardines’ kung saan lahat ng tao naghahanap, lahat tayo gustong sumaya lalo na pag hapong hapo at pagod na pagod na.
Tara laro tayo, gawin nating parang sardines ang buhay at ang Diyos na si Jesus ang taya. Tiyak sasaya tayo pag nakita natin siya, tingin mo?
The Vortex of Paroxysmal Disposition
September 2, 2009I’ve been staring at this screen for ages, I still can’t figure out what is this that I’m feeling. Or is correct to say that I’m feeling something? I’m befuddled, my mind spins with constant acceleration, round and round, rushing faster than the speed of sound. Then meets an opposing force never seen or felt by anyone. Lines from Batman begins entered my mind: “This is what happens when an unstoppable force meets an immovable object”. In this case, I’m the Joker. I crashed, lost my momentum and was dilapidated pretty quick.
I have an IQ of 132 and still my mind can’t process this. Maybe this is what they call emotion. Something unfathomable for the mind but very simple for the heart. If that’s the case, then lets hear what this heart (mine) has to say.
…
~is it time? Let me do this in a straight-forward manner.
I’m sad, confused and sick all at the same time. Someone entered my realms but left physically, she taught me how view life in a different perspective, to value friendship more, and to be in a paradigm in where only the two of us can move freely. I’m just getting the hang of it, but need she left.
I don’t want to imagine what will happen next. Pre-work hours when she comes in the office with 2 cups of scrumptious fried noodles, one for her and one for me, sharing stories to each other while waiting for 9PM to kick in. Work hours with no one on my right side blurting out jokes, thoughts and noisiness. After-work hours when I’m alone walking in the long road home. Never will I accompany someone to MRT or to the Bus Terminal again, and it will be jeepney-rides for me starting now. I guess I’ll be eating Almonets alone.
I know I’ll get a glimpse of her again, every after weekend, or every random day, but every after weekend or every random day is very different from everyday.
I hope she learned a lot from the training she had in our company, I’m very thankful to know that she think it’s fun being with us. And it’s really overwhelming that I became not just one of her friends, but her Kuya.
Suffice to say, Kuya Jot misses her sister.


