Home » Post Item » 2nd year special - From Saiwai

2nd year special - From Saiwai

August 17, 2009

Another splendid work of art by my younger sister..

 Ayukong umuulan, dahil maraming gawaing nasasayang sa tuwing inaabutan ako ng ulan.
AyOko ng nararamdaman kong wala akong silbi,
Ayukong makipag usap ng matagal sa di ko kilala lalo na kung alam kong mas ahead sakin…
AyOkong makinig sa payo o opinyon ng iba dahil ayukong mabago ang gusto kong paniwalaan.
Ayukong may maka alam ng nararamdaman ko, yokong isipin nilang mahina ako…

Sensitive ako kaya ayokong naririning mga naging pagkakamali ko..

Noon, lahat ng iyon nasa bokabolaryo ko, pero habang dumdami ang nakikilala kong tao..
Unti- unti naring nabubura ang mga bulok na kaartehan ko..
Maganda ang naging epekto sa akin ng mga taong nakakasalamuha ko… kaya masaya ako..

Sabi nila magaling ako makisama sa ibang tao, kaya kong makisalamuha kahit sinong makita ko.,
Masaya akong marami akong nakikilala masaya akong nakikinig at nagbabasa ng mga blog ng buhay nila..Pero kung minsan di madaling makinig at tumanggap ng mga istorya nila…
Kung minsan naiisip kong para akong Jack in a Box, pag labas ko sa kartong kinatataguan ko at di natuwa ang isang tao itatapon na lang ako sa isang sako..

Para akong isang malaking barko, kaya kong sumoporta ng ilang tao patungo sa gusto nilang puntahan pero hindi lahat kaya kong suportahan wala kong sagwan para sila ang mag tama ng mamamali kong daan. At gaano man karami ang kayang isakay may limitasyon parin at kahinaan.
Masaya akong mag isa pero mas masaya pla akung may kasama, mas masayang may kausap ka, may ka kwentuhan ka, may kakampi ka..
Nabuhay ako bilang isang gagambang nakakulong sa isang kahon ng posporo at namumuhay sa sariling sapot ko.
Di naman masamang makulong sa sariling paniniwala, ang masama sa sobrang paniniwala sa sarili mamatay kang nakakulong sa sariling sapot ng paniniwala mo.. di mo mararanasang makiapak sa sariling sapot ng iba, walang bonding, walang hapiness walang friends..
Kaya ayukong makisama sa ibang taong namumuhay parin sa sariling sapot nila..

Walang rules, walang pinaniniwalaan bukod sa sarili nilang RULES AND REGULATION.

Pero sa kakatuwang pangyayari nakaaya ako ng isang taong kumain ng hongkong style, kahit napipilitan sinasabayan parin akong kumain.. Isang taong napagsasabihan ko ng mali at napapagalitan kung minsan..Nasasabi ko yung mga ayuko, Malalalim na sikreto , At mga paniniwala kong akala ko ako lang nakakunawa kahit mali pero pareahas ko rin pala ng naiisip..

Ang taong may sariling rules ang regulation, yung taong naka-apak sa sarili nyang sapot, yung klase ng taong ayukong makasama…. Magiging kakampi, kuya at kaibigan ko pala..
Sa di inaasahang pangyayari natuto akong maniwala at makipag kwentuhan ng di nakakatuwa at di dapat pinag kukwentuhang mga bagay…
Mas lumawak ang nalalaman ko, nakatagpo na ako dati ng ganitong tao, pero di ko akalaing makakatagpo ako ulit..
Nakakatuwang isiping nagkaroon ako ng isang kuya na nakakapitan ko pagkailangan.
Nagsisilbing diary ko sa mga oras na kailangan ko ilabas ang nararamdaman ko..
Wala pang higit sa taon ko syang kakilala pero parang kasama ko na sya mula nung pagkabata pa…Ayukong isipin na darating yung araw na di na namin kilala ang isat-isa, di na kami nagkakapalitan ng mga idea… Yukong mamiss yung pag dedebate naming natatapos rin sa iisang paniniwala…

Nagpapasalamat akong nagkaroon ako ng kakilalang hindi inuupan ng kalaban dahil adik sa tekken! kuyang adik sa pag-cocompute ng matrices, pag proprogram sa .Net at pagpapagalaw ng mga nadedesign kong page ^^ Pati naring sa mga dinousaurs, earth, circles , fogs, trees at elevator ;p

Ngayon , di na ako naiinis sa tuwing umuulan, Dahil kung minsan yung ulan pala ang nagsisilibing daan para makapag pahinga’t makapagkwentuhan…

-jollibee


Written by: Raissa Aliman (Saiwai) View Her Blog

Posted by kuyajot at 22:09:00 | permalink

Add a comment