Home » Post Item » Prayers and Blessings

Prayers and Blessings

August 14, 2009

Ang natatandaan ko, naglalakad ako sa kahabaan ng Shaw Blvd. sa kanto ng EDSA nang makakita ako ng isang nakabubulag na liwanag sa aking kanang balikat. Sobrang lakas ng ilaw, napakubli na lang ako sa likod ng mga braso ko. Trailer truck lang pala, kala ko kung anu na. Pagdilat ko, nagkakagulo na ang tao, di ko na lang sila pinansin, may pinagkakaguluhan ata silang artista. Isang maputing lalaki ang kumausap sa akin, sabi niya, “Whoa! That’s a nice catch dude.. Tara gala muna tayo..”, at sa di malamang kadahilanan, sumama ako sa kanya at sa isang iglap, bigla kaming napunta sa isang dimensyon na noon ko lang nakita.

Lalaki: “Welcome, nasa operating room ka ngayon, kaya gumala ka muna dito”

Ako: “Huh? basa OR ako tapos nandito? ang gulo! Anu ba tong lugar na to?”

Lalaki: “Pag nagtagumpay ang mga doktor, papauwiin na kita, pero sa ngayon, dito ka muna”

Ayon! Ako nga pala si Jez, at naghihingalo pala ako.
At si Gabriel pala ang kausap ko kanina.

Nasa isang parte na pala ako ng langit, nandito yung mga matatawag kong ‘heavens-miscs’. Wala dito yung mga namatay na, wala din dito yung mga bahay nila. Sabi ni Gabriel, eto daw yung lugar sa langit na pinakamalapit sa lupa, nandito daw gumagala yung mga taong naga-agaw buhay pa lang, mga bagay na pinapadala sa lupa at kung anu-anu pa. Siguro nandito rin yung mga guardian Angel no?

Lakad lakad lakad..
May nakita akong isang gusali, katulad ng ibang mga gusali dito, nakabukas lang ang entrada nito. Isang anghel ang pumasok dito, bitbit niya ang pinakapaborito kong gitara, na-curious ako, kaya pumasok ako. Sa loob ng gusali, ay punong puno ng mga kwarto, magkakadikit lang ang mga pinto, pero nang may lumabas na isang anghel mula sa isang pinto, nakita kong napakalaki ng loob ng bawat isang kwarto, at hindi lang yan, bawat isang pinto ay may nakaukit na pangalan. Exciting! Agad kong hinanap ang pinto na mayroong pangalan ko. At mga ilang minuto lang ay nakita ko na ito. Nagulat pa ako ng makita ko ang anghel na may dala ng gitara na lumabas galing dito.

Aktong bubuksan ko na ang pintuang may pangalan ko ng sinigawan ako ni Gabriel, “Wag! Teka!”. Napatigil ako. Nabitin ako. bakit niya kaya ako pinigilan?

Gabriel: “Whew.. Teka lang, naghihingalo ka pa lang, sa oras na buksan mo yang pintong yan ay matututluyan ka na.”

Ako: “Anu ba kasing nasa loob nito? Di ko ba pwedeng tignan lang?”

Gabriel: “Katulad ng sinabi ko na, pwede mong buksan yan, pero sa oras na gawin mo yun eh iiwan mo na nang tuluyan ang mga minamahal ma sa lupa.”

Ako: “Ok na siguro yun, kesa mapagastos pa sila sakin. And besides, sigurado ang pamilya kang dito ko sa langit mapupunta. At isa pa, mukhang wala na talaga akong pagasa sa Kanya. Dito na lang ako.”

Gabriel: “Bahala ka, it’s your decision. Dahil madalas, ang mga taong nagbubukas niyan ay nagsisisi.”

Ako: “Pagsisisi? Sa langit? As in regret? Binibiro mo ata ako eh..”

At binuksan ko na ang pinto.
Bigla akong may naramdamang kakaiba,napapikit ako, unti-tuni, nararamdaman ko na ngang iniiwan ko na ang katawan ko sa lupa, naririnig ko ang mga iyak ng mga tao sa paligid, ok lang, expected ko na yun. Hay.. Ang sarap ng pakiramdam, dumilat na ako.. Nagulantang ako.

Ako: “Anu ba talaga ang lugar na ito?!!!”

Gabriel: “I told you…”

Ako: “Bakit nandito lahat ng mga bagay na gusto ko? Matagal ko nang gusto ang mga ito! Kala ko ba nandito yung mga bagay na pinapadala sa mga tao? Eh bakit di nakarating sa akin tong mga to?”

Gabriel: “Alam na nang Diyos lahat ng gusto mo, kaya pinalagay na niya lahat ng yan dito.. Kaya lang, kelan ka ba lumapit sa kanya para hilingin ang mga ito, kelan mo ka nagpray para sa mga ito? Yung gitara sana ipapadala sayo kanina, kaso lang namatay ka na, kasi matagal mo nang pinapanalangin yan diba? Eh yung iba? Kelan ka nagdasal para sa mga yan?”

Ako: “Hindi ko na sila pinagdasal lahat, kala ko kasi hindi ibibigay sakin ng Diyos ang mga ito?”

Gabriel: “Maliit o malaki, ganun parin yun.. Kung di mo ipagdadasal, para kang di nagtiwala sa Diyos”

Sabay may nakita akong isang kahong pula, binuksan ko ito, lalo akong naguluhan.. Nakalagay dun ang isang papel na may nakasulat na pangalan..

Ako: “BAKIT NANDITO ANG PANGALAN NIYA?!!!!”

Gabriel: “Siya sana ang nakatakdang tao para sa iyo, hindi mo pinagdasal na maging kayo eh, naghihintay na lang kaming ipadala siya sayo.”

Sabay may pumasok na isang anghel, kinuha niya ang kahon, at lumabas.

Ako: “San niya dadalin yung kahon Gabriel?”

Gabriel: “Patay ka na, dadalhin na yung kahon sa ibang kwarto”

Ako: “Eh kala ko imposibleng sagutin niya ko eh! Sana pinagdasal ko! Ibalik mo ako sa lupa!!!! Ibalik mo ako… ibalik mo ako… parang awa mo na…”

Unti-unti na akong tinanggap ng langit, dahan-dahang nawawala na ang lungkot ko, ganito pala sa langit, walang lungkot, walang sakit, walang panghihinayang, walang pangangailangan. Lumabas na kami sa kwarto, nawala na ito pagkasara ng pinto. Kahit kelan di ko na ito makikita. Biglang sumakit ang dibdib ko.. Ahhhhhhhh!!!!!

Whew.. Nagising ako, patay ako sa boss ko nito, nahuli akong natutulog.. Tsk!
Pero ok lang. Ngayon alam ko na.

Maliit o malaki, mukha mang imposible, ipagdadasal ko.

Ipagdadasal ko.

Posted by kuyajot at 3:58:00 | permalink

Add a comment