logorrhemic

adequately answering condescending questions since 1989

2nd year special - From Toothpickman

August 6, 2009

Cerbitero

Toothpickman.

Sino ang pinakapaborito mong tao na may tililing?

Ako, yung sorbetero.

Ewan ko ba kung bakit, pero parang lahat ‘ata ng bata hindi mapakali kapag naririnig na may parating na sorbetero.

May mga tumatakbo papunta sa mga nanay nila’t nanghihingi ng pera, may mga tumatakbo papunta sa mga tatay nila’t kukupit ng pera, may mga nagbabasag ng alkansya nila, may mga nagbabasag ng alkansya ng iba at may mga naghihintay ng manlilibre. Kapag lahat na ng bata may pera na, papaligiran na nila si Manong. Pagkakaguluhan na siyang parang artista, palung-palo at hataw sa takilya. Hindi na uso ang pila. Matira-matibay tsong, pare-pareho lang tayong gutom.

Hindi naman natin alam noong bata ka pa kung saan ba nakukuha ni Manong yung ice cream niya e, pero for some reason, tiwalang-tiwala kang magtiwala sa kanya. Kasi sa dami-dami ng pwedeng paglakuan ng sorbetes, napili niyang dumaan at magtinda sa tapat niyo. Nakakaantig ‘yun, lalo na kung sa tuktok ka ng burol nakatira, kasi gustung-gusto mo ng ice cream, at gustung-gusto ka niyang pagbilhan.

. . .

“Ubos na.”

Ouch.

. . .

Dirty Ice Cream.. Sino bang nagsabing kailangan mo ‘nun? Sino bang nagsabing masustansya ‘yun? Bukod kay Manong Sorbetero?

Parang trivia ang mga dirty ice cream, hindi mo naman talaga kailangan, pero nasasarapan ka sa tuwing nakakatikim ka, lalo na kung uhaw na uhaw ka dun.

Kaso bihira lang ang mga sorbeterong naglalako ng kaalaman, kadalasan makikita mo lang sila sa TV, naka-cowboy hat at naka-pepe shorts.

Bakit kaya Kuya Kim ang tawag kay Kuya Kim? Bukod sa yun ang pangalan niya? Bakit kaya hindi Mommy o Daddy Kim? O Ate Kim? Siguro kasi ang natututunan mo lang sa mga magulang mo ay yung mga bagay na basic, obvious at madaling paniwalaan. Ang mga natututunan mo naman sa mga ate ay kung paano saluhin yung mga inutos sa kanila. Mula pa noong unang panahon, ang mga kuya ang mahilig magshare ng mga walang kwentang trivia.. na gustung-gusto mo namang malaman. Malay mo ba kung ‘di totoo? At least nagbigay siya ng effort para sabihin yun sa’yo. Para siyang sorbeterong di-alintanang umakyat sa burol para bentahan ka ng paborito mong ice cream na hindi mo alam kung saan nanggaling.

Touching.

Bilib talaga ako sa mga kuya. Wala akong kuya sa bahay e. Ako ang kuya sa bahay. ‘O di ba ang conceited ko masyado?

Never mind.

Hindi ka maniniwala sa sinasabi ng kausap mo kung hindi ka nagtitiwala sa kanya, at hindi ka magtitiwala sa kausap mo hangga’t wala pa siyang sinasabi sa’yo. Kaya siguro malaki ang tiwala ko sa mga pinsan ko, lalo na ‘yung mga nagku-kuya-kuyahan, dahil sa mga sinasabi nila, lalo na yung mga binibigay nilang kaalaman na hindi ko naman talaga kailangang malaman. Kung ‘di dahil sa mga kuya ko, hindi ko malalamang marami pa pala akong ‘di alam. Na marami ka palang bagay na matutunan sa labas ng klasrum, malayo sa ilalim ng punong mangga at sa may bandang internet shop. Ang mga kuya ko ang nagturo sa’kin kung paano makipagkilala sa mga bagay na ‘di ko alam, katulad ng iba’t ibang klase ng magazines (sshh!). Kung di dahil sa kanila, wala sana akong tiwala sa media, at sa iba pang mga tao bukod sa sarili ko, kay Nanay, at kay Tatay. Natuto akong respetuhin at paniwalaan ang mga kasinungalingan at kalokohan ng tao, at tawanan ang sarili ko kasi utu-uto ako.

Lahat ng bata sa mundo ay naghahangad ng isang sorbetero, kahit isa lang, na mag-aabalang dumaan sa tapat nila para magpatunog ng tililing at magbenta ng maduming sorbetes, at lahat din ng bata ay naghahangad ng kuyang magbibigay ng mga walang silbing kaalaman na masarap lasapin, lalo na yung mga tipong gumagawa ng blog para lang mas mapadali ang pagdadaldalan niyo.

Lahat ng kailangan kong matutunan, natutunan ko nung kinder, lahat ng mga ayaw kong matutunan, natutunan ko kay Nanay, lahat ng bawal kong matutunan, natutunan ko sa panunuod ng.. uhmm.. Hindi ko pa pala yun natutunan. Pero lahat ng mga hindi ko kailangang matutunan, na ginusto kong matutunan, natutunan ko sa mga kuya.

Kuya Joshua Cerbito, isang tunay na sorbetero.

 


Posted by kuyajot at 13:01:00 | permalink | Add comment

2nd year special - From Julie Ann

Joshua Jez Cerbito

I just met this man last April 2009. We started being text mates, tapos a few weeks after we decided to meet. My first impression was, (he know this already) he’s weird, and as the days goes by, I found out that napaka approachable nya naman pala.. He is fun to be with, never will there be a dull moment kapag magkasama kayo. He’s an anime lover (sobra!) and a gamer (tama ba?). He may look serious because of his appearance pero pag nakilala mo siya ng bonggang bongga, you’ll be able to know na may kakulitan din pala siya. He is the guitarist of their band Leviticus. I think he has been blessed by so many gifts. He has the talent na gustong gusto ko, which is his writing skills and very fluent in speaking and writing in English. I don’t know kung anung meron siya, kasi hindi nakakailang mag-open ng mga bagay bagay sa kanya, to think na hindi pa kami ganun katgal na magkaibigan. And what I like the most kay Jot is, lagi nyang pinalalakas ang loob ko everytime na nawawalan ako ng pag-asa. He is such a blessing to me. Nakaka-bless siyang kausap and I thank the Lord for giving me such friend like Jot. On the other hand may dark side din naman si Jot (but for me, I don’t think it is a dark side). The person T thought n hindi makakagawa ng kalokohan, may tinatago din pla. Minsan bigla na lang siyang nawawala s YM, and the reason is, nakatulog n pala siya. May pagka-sentimental din c Jot, very observant sa mga bagay-bagay at lagi siyang may reaction about dun. Wala pa akong masyadong alam about the other side of his personality. But I’m sure malalaman ko din yan as the days, months and years goes by.. Haha!!

That’s all I can say for now. If ever there are new things about Jot, I’ll reveal it! I promise (with his permission. Hehe!)


Written by: Julie Ann Pergis
Posted by kuyajot at 13:00:00 | permalink | Add comment

who's Josh?

Josh Cerbito is Web Designer and Developer who plans to take over the whole interwebs without them knowing.

 

There are lots of things (or rather thoughts) scattered in here that you may stumble upon, and its for you to choose which one's to pick up and which ones to leave behind.

 

Email me at: contact@kuyajot.net

     

August 2009
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Sponsored Links