Home » Archives » 03. August 2009

Hoy! Pagibig, eto na letter ko sayo..

August 3, 2009

12 taong gulang ako nung una kitang makita.
Sabi nila di ka pa raw nagpapakita sa mga kasing edad ko, pero alam kong  hindi yung totoo, dahil pagkapanganak ko pa lang, alam ko nang ikaw ang ugat ng pagkabuhay ko. Siguro eh iba lang ang nakikilala ng ibang kasing edad ko. Ang dami kasing impostor na gumagaya sayo.

Alam mo ba, nakita kita dati, sa pinakaunang pagkakaton, nakita kita hindi sa mga kapamilya ko.
Isang babae ang may bitbit sayo, ang problema iba ang nakikita niyang bitbit ko, at ayaw niya atang magshare kami sa mga bitbit namin. In short basted ako. hay.. kaka birthday ko pa lang naman nun, bakit hindi ka nagpakita sa kanya?

3 years after, nasa college na ko, nakita na naman kita, at mabuti na lang ang babaeng may dala sayo eh medyo malinaw ang mata, nakita niyang ikaw din ang bitbit ko. 4 na taon din naming pinagsaluhan ang kaligayahang dulot mo. Pero bakit ganun? nanjan ka parin naman diba? Nasa samin ka parin? Pero bakit parang ikaw mismo ang umaayaw na? Wag naman ganun, ayokong umabot sa ganun.

Natapos na ang desisyon. Nawala ka na na naman sa paningin ko. Pero alam mo, nararamdaman parin kita ngayon.

20 anyos na ako sa makalawang linggo, magpakita ka kaya sa akin ulit?
Palagay ko kasi nakita na kita ulit.
Makita ka din kaya niya sa akin? Mukhang malabo, oops di ako negative, kaya lang lam mo, parang salbahe ka sakin eh no, kasi bago ka magpakita sakin, nagpakita ka na sa kanila. Nahuli na ako. Pero it’s better late than never nga naman diba. Next time kasi agahan mo

Hmmm.. Palagay ko nga nakita na kita ulit. Final answer!
Lam mo kung bakit?
kasi bumamalik yung mga dati kong pakiramdam.

Tila ba gusto ko siyang makita araw araw, nalulungkot naman ako pag wala siya, at mas nalulungkot ako pag nakikita kita sa kanya pero ibang tao kausap mo. Pero masaya parin, kasi nakita kita.

Parang kanina may narinig akong nakakatawang usapan, gusto ko kaagad un sabihin sa kanya. May nakita akong magandang picture sa internet, gusto ko kaagad ipakita sa kanya. May narinig naman akong magandang tugtog sa radyo, gusto ko kaagad iparinig sa kanya. Gusto kong ibahagi sa kanya hindi yung mga naranasan ko, bagkus ung kaligayahan na nadama ko, Alam mo yun? Parang gusto kong hugutin yung saya sa puso ko at ibigay sa kanya para maranasan din niya yung katulad na saya na naranasan ko. Diba? Kaya sigurado ako, ikaw yung nakikita ko.

Tumingin ka naman sakin kahit minsan lang, kahit ibang tao kausap mo. Wish ko lang yung kausap mo ikaw nga ang nakikita, baka kasi iba nakikita nun.

Wala ka na namang sasabihin? Lumingon ka man lang hoy! namimiss ko nang marinig yung boses mo, sana sa susunod na marinig ko yung boses mo, siya yung nagsasalita.

sincerely yours,
Kuyajot

Posted by kuyajot at 7:36:00 | permalink | Add comment