Home » Post Item » Realism of Fairy Tales
Realism of Fairy Tales
July 24, 2009Bilang isang batang nabuhay at nagkamalay noong 90’s, masasabi kong mulat ako sa mga iba’t ibang Fairy Tales, libro man, pelikula, o kahit kwento lang ng nanay ko. Eh anu kung sabihin nang mga pinsan kong pambababe ang mga Fairy Tales, wala akong pakielam, kaya nagtatago ako kaya tuwing nanonood ako nito. =))
Masaya ang mga Fairy Tales, parang telenvelang pinoy, kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan ng bida, siguradong happy ending parin. Kung sa gitna ng storya eh inalipusta siya, siguradong sa ending eh pupurihin siya, Kung sa gitna ng storya eh namatay siya, siguradong mabubuhay ulit siya. Kung sa gitna ng storya eh na-utot siya, siguradong sa ending eh mabango na siya. Hindi pwedeng manatili ang flaws at cons sa mga bida.
Pero maliban sa Pinocchio at Beauty of the Beast, anu ba talaga ang moral lesson na makukuha sa mga Fairy Tales. Let me cite some titles. Mga Classic.
Sa Snow White? Don’t talk to strangers?
Sa Cinderella? Wear shoes tightly?
Sa Rapunzel? Too much hair-length is good?
Sa Sleeping Beauty? Magpa-kiss bago gumising?
Sa Goldilocks? Acheche…
Harry Potter? Anyone?
Siguro ung mga modern na Fairy Tales eh may mga moral lesson na, eto eh ung nagsimula nang gumawa ng original stories ang Walt Disney. Pero kung pagbabasehan mo ung mga luma nilang works, mga adapted Folk Lores, na mga inabutan ko noong panahon ko, eh talagang ganyan.
Sabi nila, may mga tao daw na nabubuhay parin at naniniwala sa Fairy Tales, siguro kinukutya kutya siya ngayon. Pero para sa akin, ok lang siguro. At least, tulad ng mga Fairy Tale characters, nabubuhay siya na may positivity. Palagi niyang tinitignan ang buhay na parang isang mahabang storya, na matapos ang lahat ng paghihirap niya sa buhay, masusuklian naman siya nang isang happy ending. Success.
Siguro eto na nga ang minsang mali sa atin, dahil sa sobrang bigat ng buhay, dami ng problema at dahil sa love life na ewan, nakakalimot na tayo nang isang mahalagang bagay. Nalilimutan na nating managinip. Sabi nga ng isang author na di ko maalala ang pangalan, “Never be afraid to dream. For one thing, it doesn’t cost you a cent, and for another, you’ll never know when you’re dream might come true”. Tama! Isang bagsak!
Marahil sabi ng iba, ang paniniwala sa fairy tales ay ‘just a phase’ o lilipas din. Pero palagay ko, di ko rin naisin na tuluyang mapalayo sa mga ito lalo pa sa mga kalagayan ng mundo ngayon, I feel, like a Fairy Tale character, na kailangan kong may panghawkan, mga ideya at pangarap ng titignan tignan ko once in a while. I need to believe that one day, good will triumph over evil and that justice will be meted out in the end.
Kaylangang maniwala na may happy ending.
Dahil sa oras na di ka minawalang may happy ending, palagay mo,
bakit ka pa nagpapakahirap mabuhay ngayon?
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


