Home » Post Item » Isang pagkakataon, isang panahon
Isang pagkakataon, isang panahon
June 16, 2009Isang pagkakataon, isang panahon
Iisa nga lamang, wala nang bawian
Napaka-ikli ng oras at napakarami pang gagawin
Alin ang uunahin, alin o alin?
Isipa’y di mawari, nagdarahop o nagkukublli?
Lubhang mahirap hulaan, huhulaan parin, ito’y anu’t anu pa man
Kalungkuta’y napawi, ngunit kalokoha’y nabali
Tawanang humihina, ligayang nawawala
Sa isang iglap lang, pagbabagao’y nanjan na
eto na naman siya, eto na naman siya!
Apektado? Oo ako’y apektado
Wala mang karapatan, ako pari’y nahihirapan
umiinit ang ulo, kumukulo ang laman
lumalabong paningin, nadagitab na isipan
Isang pagkakataon, isang panahon
Iisang lamang, wala nang bawian
Napaka-ikli ng oras at napakarami pang gagawin
Alin ang uunahin, alin o alin?
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


